Introduction
Isang batayang karapatang pantao ang edukasyon. Kaya naman maraming Pilipinong magulang ang nag-aasam na makatapos ang kanilang mga anak sa pormal na edukasyon. Ika nga, edukasyon ang natatanging panghabang-buhay na pamanang maibibigay ng isang magulang para sa kanyang mga anak upang matiyak na hindi sila malulugmok sa kahirapan. Isang pamanang hindi maagaw ninuman at kapag pinagyabong ay magdudulot ng pag-unlad ng sarili at ng pamayanan. Gayunpaman, marami pa rin sa mga kabataang Pilipino ang hindi nabibigyan ng oportunidad para makapag-aral sa paaralan. Itinuturing ng United Nations na isa sa pangunahing salik sa pag-unlad ng isang pamayanan ang pagbibigay ng oportunidad sa lahat para sa edukasyon. Ito ang pagtutuunan ng pansin sa modyul na ito.
This Post Has 6 Comments
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.
Napaka ganda ng paksa ng module na ito dahil bihira lamang mabigyan ng pansin ang mga mahihirap na pamilya na gustong pagtaposin ang kanilang mga anak ng isang pormal na edukasyon
Napaka ganda ng paksa ng module na ito dahil bihira lamang mabigyan ng pansin ang mga mahihirap na pamilya na gustong pagtaposin ang kanilang mga anak ng isang pormal na edukasyon.
Lubhang napakahalaga na matalakay ang mga ganntung uri ng paksa, sapagkat maraming pamilya’t batang pilino ang nakakaranas ng hinding pantay na pagkakataon pagdating sa edukasyon lalo’t na kung sila ay may kapansanan o kapos dahil sa kahirapan
Ito po ay napaka importante para sakin Kasi po Ang pag aaral po Isa sa yaman ng mga magulang para sa mga anak na katolad kung mahirap
Ang edukasyon ay mahalaga hindi lang para sa mga kabataan dahil ito rin ay makakapagbigay saya sa magulang na Makita na ang kanilang mga anak ay makapasok,makapagaral sa paaralan.
Ang edukasyon ay napakagandang oportunidad sa lahat ng mamamayang nangangarap para makapagtapos at makamit ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak .