Mga Salik sa Kawalan ng Edukasyon
Ilan sa mga posibleng salik sa kawalan ng oportunidad na pumasok sa pormal na edukasyon ang mga sumusunod:
A. Kahirapan
Ang kahirapan ang pangunahing dahilan ng mga pamilya sa di pagpasok o pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga anak. At bagama’t sinasabing libre na ang pagpasok sa mababa at mataas na pampublikong paaralan, may kinakailangan ding pantustos para sa mga kwaderno, panulat, bag, mga gamit sa mga proyekto sa klase, isama pa ang pamasahe, at baon na pagkain.
B. Kakulangan ng Paaralan at Guro
Sa tala ng Philippine Statistics Authority, mayroon lamang 78, 245 mababa at mataas na paaralan para sa kabuuang halos 28 milyon na estudyante.
70% lamang nito ay pampublikong paaralan na libreng nagbibigay ng oportunidad para makapag-aral ang mga kabataan:
39,067 ang para sa elementarya, 9,085 ang para sa junior high school at 7,033 ang para sa senior high school.
Nangangahulugan lamang na hindi sa lahat 42,046 na barangay sa buong Pilipinas ay may pampublikong paaralan. Isa ring usapin ang bilang ng mga guro para magturo sa mga paaralan. Tinatayang umaabot sa hanggang 39 na mag-aaral sa bawat 1 guro. Depende pa ito sa layo ng paaralan – mas malayo ang paaralan, mas kumokonti ang bilang ng guro.
C. Panlipunang pananaw
May ilang mga kaisipan o pagtingin ang iba sa pagpasok sa paaralan. May ibang naniniwala na hindi na kailangang pag-aralin pa ang isang babae dahil paglaki naman nito ay mag-aasawa lang naman at mag-aalaga ng kanyang pamilya.
Gayundin, May iba na ang tingin sa mga katutubo at may kapansanan ay mababang klase ng tao sa lipunan at walang karapatang makapag-aral. Kundi man, tinututya sila sa paaralan na nagdudulot ng pagkawalan nila ng tiwala sa sarili upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Statistics Authority noong taong 2017, mas maraming babaeng mag-aaral ang di nagpapatuloy sa kanilang pag-aaral dahil sa pag-aasawa o mga problema sa loob ng pamilya. Sa mga lalaking mag-aaral naman na di nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral, kadalasan naman ay dahil sa kawalan ng interes.
Reference: (https://unstats.un.org/sdgs/files/meetings/sdg-inter-workshop-jan-2019/Session%2011.b.3_Philippines___Education%20Equality%20AssessmentFINAL4.pdf)
Ilan lamang ito sa mga dahilan sa hindi pagpasok ng mga kabataan sa paaralan. Maaaring may iba pang mga salik kaugnay nito. Hindi rin natatangi sa Pilipinas ang mga isyung ito. Dahil kinikilala ng United Nations ang edukasyon bilang isang pangunahing karapatang pantao na mahalaga sa pagtiyak sa patuloy na pag-unlad ng pamayanan, isa ang edukasyon sa pinagtuunan ng pansin nito.
This Post Has 5 Comments
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.
Nagkakaroon ng kawalan ng edukasyon dahil sa kahirapan kakulangan ng guro at sa pananaw bg mga mamayan.Kahirapan dahil alam naman natin sa panahon ngaung mahirap kumita ng pera at nagkukulang tayo sa pambili ng pagkain sa pang araw araw at kahit na libre ang pagaaral sa ibang eskwelahan pinipili nalang mag trabaho para may pambili sila sa pagkain.kakulangan sa guro karamihan ngaun ay ay walang edukasyon dahil pinipili ng ibang gusro na pumunta sa ibang mga eskwelahan na may malaking oppurtunidad sakanila at di napapansin ang mga maliliit na eskwelahan na kaya nagkululang ito sa nagtuturo.Huli ay ang panlipunang pananaw dahil sa pamamagitan niro maraming kababaihan ang hindi nakapag aaral dahil sa paniniwalang makakapag asawa ito at hindi magagamit ang lahat ng pinagaralan nito kaya isinabaliwala nalang nito ang pagaaral.
Ang mga salik na nabangit sa itaas ay iilan lamang sa mga salik o dahilan upang hindi makapag aral ang mga kabataan, pero kung ating masusing pagaaralan ito at hahanapan ng epektibong sulosyon o remedyo maaring mabawasan ang antas ng mga batang hindi makapagaral sa pilipinas na maghahatid ng dagdag kaunlaran sa bawat isa sa atin sapagkat sa mga kabataan ang magsisimula ang pagunlad ng isang bansa kaya’t dapat natin itong pahalagahan at pagingatan.
Una po talaga Ang kadahilan po ng Hindi pag aaral ng mga anak o Bata ay Ang kahirapan na walang kakayahang mag paaral o di kayang mag tustos ng pera Ang isang magulang at Ang pagkain Kung kulang din po Ang kinakain sa pang araw araw Isa ho Yan sa problima at Ang mga ilang mga paaralan na may diskriminasyon sa loob at sa labas Yan din po Ang sanhi ng d pag pasok ng isang tolad Kung katutubong Ayta .
Unang dahilan ng di pagpasok ng mga kabataan ay ang kahirapan at kakulangan ng suporta ng mismong magulang at iilang mga maling paniniwala ng mga magulang kaya di nila ipinapatapos Ang kanilang mga anak.
Kahirapan ang psngunahing dahilan ng pamilya sa hindi pagpasok NG dahil sa kahirapan at sa paniniwalang Hindi na kailangan Pang pag aralin ang mga anak na babae dahil sa kadahilanang mag aasawa din nmn sila