Maikling Kasaysayan ng Kalagayan ng Edukasyon sa Pilipinas
Topic 1: Maikling Kasaysayan ng Kalagayan ng Edukasyon sa Pilipinas
Noong unang panahon, pangunahing nakabatay ang pagkatuto ng mga katutubong Pilipino sa kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa kanilang mga pamilya at komunidad, pati na rin sa mga ipinapasa sa kanilang mga tradisyon, paniniwala at kultura ng mga nakatatanda. Pati ang pagsulat o pagtatala ng mga bagay bagay mula sa ating sariling karanasan o mula sa mga pangyayari sa ating paligid ay nagsimula pa ng mabuhay ang ating mga kanununuan. Pinaniniwalaang mayroong hindi bababa sa 16 magkakaibang uri ng mga sistema ng pagsulat na nasa paligid ng Pilipinas bago ang ating kolonisasyon.
Nang dumating ang mga dayuhang Kastila at Amerikano, nag-umpisang nakapagtayo ng ilang mga paaralan para sa mga Pilipino bagaman ang mga may kaya lamang sa lipunan ang nakakapasok dito. Ang sistema ng edukasyon sa ilalim ng Kastila ay nakaangkla sa paniniwala ng Katoliko samantalang ipinakilala ng mga Amerikano ang sistema ng pampublikong paaralan at ginamit ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Sa parehong panahon ng kolonisasyon, mas naging mahirap ang pag-unlad ng pambansang pagkakakilanlan at lalo pang nagkaroon ng diskriminasyon sa lipunan. Ang pagpasok ng ilang nakaka-angat na mga Pilipino sa mga paaralang ito ang nagbigay daan para maunawaan ang kultura at gawi ng mga dayuhan mananakop at naging kasangkapan din para mapasunod ang mga Pilipino sa kanilang nais. Ganunpaman, ang kawalan ng edukasyon sa mas nakararaming Pilipino ang ginawang dahilan ng mga dayuhang mananakop upang manamantala at tutyain ang mga Pilipinong tinawag nilang mga “mangmang” at mababang klase ng tao sa sarili nitong bansa. Nang lumaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, unti-unting nagtayo ng mga mababang paaralan sa iba’t ibang barangay upang mas maraming Pilipinong kabataan ang makapasok. At sa pagtuloy ng kasaysayan, dumarami na ang mga paaralang sa iba’t ibang antas, tinayo man ng gobyerno o pribado. Upang patuloy na makapag-aral ang mga kabataan mula sa mababang edukasyon patungo sa mas mataas na edukasyon.
Sa pagkakaroon ng edukasyon, mas madaling nating natutunan ang iba’t ibang bagay na nagamit natin sa pamumuhay, kabuhayan, pulitika at pakikisalamuha. Naging tuntungan din ang pagkakaroon ng edukasyon upang makapagtrabaho sa iba’t ibang kompanya o organisasyon upang kumita para may pantustos sa ating mga gastusin. Sa pamamagitan din ng edukasyon, mas madali nating natutunan ang paggawa ng mga imprastruktura, magagandang gusali at iba pa.
Noong 2019, ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, mayroong tinatayang 28 milyon na mag-aaral ang naka-enrol sa mahigit 78,000 na paaralan – pampubliko man o pribado: Ngunit hindi lahat ng pumasok sa paaralan ay naipapagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa mas mataas na antas o hindi tinapos ang kanilang pag-aaral. Halimbawa, nuong 2016, mayroong halos 3% ng kabuuang nag-enrol sa mababang paaralan ang hindi nakatapos, at 6.6% sa mataas na paaralan. Mas mataas din ang bilang ng mga mag-aaral na nakatapos ng mataas na paaralan ang hindi nakapasok sa mga unibersidad o kolehiyo. Kalimitang dahilan nito ang kahirapan, problema sa pamilya o kawalan ng interes na ipagpatuloy ang pag-aaral. Malaki ang nagagawa ng pagkakaroon ng edukasyon sa patuloy na pag-unlad natin bilang tao at ng lipunan. Kaya mahalaga na tukuyin natin kung sino ang mga batang ito at ang dahilan kung bakit hindi sila nakakapag-aral.
This Post Has 8 Comments
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.
Ang aking natutunan sa topic na ito ay kung pano pinaghirapan ng ating mga ninuno ang ating edukasyon.
Kung kagaano naging kahalaga ang edukasyon sa bawat tao.At dahil sa dito nakalaya tayo sa pagiging mangmang at nakawala sa pamamahala ng mga Espanyol.Sa pagdating ng panahon naging importante ang edukasyon sapagkat ito ang naging paraan upang makamit natin ang pagkakaroon ng trabaho na makakaiwas sa kahirapan.Natutunan ko na kapag pinairal natin ang edukasyon sa ating buhay ay makakamit natin ang kaginhawaan at maiiwasan ang kahirapan.
This video ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang edukasyon, ika nga ni Solomon Ortiz: edukasyon is the key success, Sa mga nakalipas na panahon ang edukasyon ay nagiging mas mas malawak ganon pa man marami parin mga pilipino ang di nakakapag college dahil sa kanilang sariling dahilan pero ang mahalaga ay magkaroon ng maayos na regular na trabaho.
Sa unang bahagi ng paksang ito matatanaw natin sa ating mga isipan ang masalimoot at kawalang katarungan pagdating sa lahat ng aspeto ng ating pamumuhay simula noon pa man, matutunan din natin rito kung papaano binago ng mga dayuhan ang sistema ng ating edukasyon at nilagyan ng diskriminasyon dahil sa mga ispisipikasyon na kanilang ibinigay upang makapasok o makapag aral sa unibersidad o sa alinmang paaralan, kung saan ay atin paring nararanasan sa ngayon dahil sa mga ispisikasyon at kailangan upang makapag aral lamang sa naturang paaralan.
Pinapakita dito kung papaano nag simula ang edukasyon sa ating bansa, at kung papaano din eto patuloy na nagbabago.
Sinasabi po dito na kahit anong darating na problima sa ating mga Pilipino tulad ng kahirapan problima sa pamilya Kaya natin to walang pag subok na d kayang lagpasan ng mga Pilipinong katulad ko sisikapin mag aral at mag tapos
Ipinapakita ng video na ito ang pagkatuto ng mga Pilipino at Kung paano pa nagpatuloy ang edukasyon hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ipinapakita sa topic na ito kung gaano naging mahalaga ang edukasyon sa bawat tao at kung paano nakalaya ang mga pilipino mula pananakop ng mga kastila.
Pinapakita sa Topic na ito na education is the key sa kahirapan, nababago ang antas ng kabuhayan, kung may kaalaman tayo hindi tayo masasakop at makakaranas ng diskriminasyon . Sana magkaroon pa ng proyekto or program ang pamahalaan at DepEd para sa mga gustong mag aral . Mapalakas ang edukasyon sa Pilipinas at mabigyan ng trabaho.