AKSES: Susi sa Pantay na Edukasyon

Isa sa pangunahing balakid sa inklusibong edukasyon ay ang akses (access) o ang paraan kung paano ang sistemang pang-edukasyon ay magagamit ng mga may kapansanan, katulad din ng mga estudyanteng walang kapansanan.

Ang problemang ito ay mas matindi para sa mga may kapansansan sa pandama (Sensory Disabilities): paningin (visual), pandinig (hearing), at kombinasyon nito (deafblindness). Kailangan nila ang suporta para sa makabuluhang buhay at pag-aaral. Alamin ang mga isyu, kasalukuyang realidad at panawagan ukol dito.